Last Day of My Life as a Student: Reflections, Thank You’s and Life as I see it
Last day of my college life
Tomorrow, I will walk down in my toga to get my diploma (well, it’s a dummy diploma but you get the point).
As of this writing, I’m preparing myself for a new chapter in my life.
A life they call the “Real World” is already booked and ready for me to check-in, and until now I’m still a little bit clueless on where my life would take me.
As I look back on the 14 years of being a student, I can say I’ve experienced a lot that not all ordinary people would experience. The Roller Coaster up’s and downs of my life almost rotated around me as a student.
Heartaches, Happiness and all other emotions, these are the things that made me who I am today. The Alexis, Alex, Lex, Bam, Kim, Bam Heo you know today was molded by 14 years of sitting in the four corners of the classroom.
They say High School is the most unforgettable years in a student’s life, I got to admit it’s a bit true, Being with your classmates everyday waking day of the school year, laughing with them, crying with them, and sharing the most fondest memories with them. Yes, High School is very unforgettable. But it’s in College that you learn life.
College for me is where I really start learning life, High School is only like a training ground on what you’re about to experience and learn thoroughly in College.
I still remember the first time stepped in PUP Manila, the sense of fear and excitement are running through my body and mind. But I eventually got used to the long and never ending lines in paying bills, tuitions or even just taking the medical exam, the gastronomic delights of Teresa Street and the sights & sounds of Sta.Mesa, They all felt like a normal routine to me eventually.
My First Taste in the Media Industry
College years also introduced me to a lot of things I grew to love. It’s in my Freshman Year when I became a member of Kabataan News Network.
You can say I’m a neophyte in the media industry at that time, I gained new friends along the way, my first taste of the media industry was a little bit hard for me, I spent a year under the team but I only managed to create one story that I haven’t even finished shooting. But I have a reason why I haven’t finished making my first story in KNN, That’s because I’ve chosen to become head of Arirang Town Philippines over staying as a reporter for KNN.
My Passion for Events Blossomed; Arirang Town as My Coach
I’ve experienced a lot during my stay in Arirang Town Philippines, A more mature working environment said ‘Hello’ to me when I entered Arirang Town Philippines.
Mommy Jessica, Jenny, Sir Leo and the other members all pitched in to make me what I am today, It’s not just a group of people helping out on organizing events, it’s a Family I know I can learn a thing or two from. A teacher that teaches me the things that I wouldn’t learn if I’m stuck in the four corners of the classroom. This is where my passion for events also blossomed to what it is today. I still look forward to events in the future like it’s the first event I will do under Arirang Town Philippines, because I know I learn more and more from the events we do.
You’re listening to the MAGIC!
It was in my internship year that I became immersed more in the events industry.
Doing my internship at Dynamedia productions (Radio Internship: Magic 89.9) helped me more to embrace what I love to do, With Sir Louie, Ma’am Kat and everyone in Dynamedia, I experienced working in events that helped me to improve on my knowledge on events production. I’m Grateful with all the things I’ve learned under Dynamedia Production.
Best FRUITS in the Bunch.
Have you ever experienced eating fruits that you got to say “Ah! This is great!”?
That’s what I feel when I’m around these fruits, Fruities as we call each other, We are like fruits in a basket that supports each other so that no one falls. BBrC 3D, the people I called family for four years of my life. The people that were with me through thick and thin, through Sadness and Happiness, and through everything in between that made my college life more colorful and lively.
I will miss the productions we did since freshmen year, from music videos to short films to even cross-dressing as a Japanese Geisha, We all did it with smiles on our faces and did it all with flying colors.
My thesis mates who consumed a lot of coffee just to keep ourselves awake during the thesis making overnights. Let us sip our last coffee as students! Our effort was rewarded with a great result! Cheers!
To all my classmates, Kudos to us, we worked hard, now it’s time to work Harder.
Lets thank our parents for the things they did to us; if it wasn’t for them we wouldn’t even know each other now.
If I will repeat college all over again, I want to do it with the Fruities I am with today.
Please, let’s not say GOODBYE, just say SEE YA AROUND.
Because it’s a small world, we’ll bump into each other again… eventually.
My family that stayed in the sidelines cheering me on.
And how can I forget my loving Family and Relatives.
Them who stayed in the sidelines not getting tired cheering me on, pushing me to my limits, loving me for my flaws and all.
My Brother who’s always by my side too, I know that we rarely see each other, you utter little but I know you’re happy on what I’m experiencing now, I know You’re also studying hard to finish college too.
My Relatives, My Tita’s, Siblings and Cousins, Everyone of You contributed to my life as a student.
Lastly, My Mom who worked hard to help me finish my studies, Because She believed in Me. Getting to the point that She borrows moneys from 3 different money lenders all at the same time just to finance my everyday needs for school and our needs at home. I’m thankful for that, I saw your hardships, I cry, but I don’t show you, because I know my strength gives you strength. What you didn’t know is that My Strength gives me strength. I know that I Love You so much that no words can express how much I’m thankful to have you as my Mom.
I’ve finished the book, Time to open a new one.
A new chapter of my life is over; Student Life as I know it is over.
Time to take out the training wheels and go on solo, But I’m pretty sure, I will learn more from the real challenges of life. I’ve finished creating the book that’s fourteen years in the making, time to make my acknowledgements and write my signature at the cover, time to start again from a blank page, a new book will be opening, time to fill it again with more lessons in life.
This is Alexis “Bam” Mendoza
Polytechnic University of the Philippines
Bachelor in Broadcast Communication
Batch 2011
Ready to Take Off!
AIM HIGH!
TO GOD BE THE GLORY!
______________________________
Ang Huling Araw ng Buhay Ko bilang isang Estudyante: Pagbaliktanaw, pasasalamat at Buhay sa Aking Paningin.
Huling Araw ng Aking Buhay kolehiyo
Bukas, maglalakad ako suot ang toga para kumuha ng diploma (pero pekeng diploma lang muna)
Habang sinusulat ko ito, naghahanda na ako sa bagong yugto ng buhay ko.
Ang buhay na tawag nila’y “totoong buhay” ay nakaabang na sa aking pagdating at paglipad, pero hanggang ngayon ay medyo hindi pa ako sigurado kung saan ako dadalhin ng buhay ko.
Sa paggunita ko sa 14 na taon ko bilang isang estudyante, Masasabi kong marami na akong naranasan na hindi naranasan ng isang ordinaryong tao. Ang panig-panaog kong buhay na halos umikot sa pagiging estudyante ko.
Pagkabigo, Kasiyahan at kung anu-ano pang emosyon, ito ang mga bagay na bumuo kung ano ako ngayon. Ang Alexis, Alex, Bam, Kim, Bam Heo na kilala nyo ay binuo ng 14 na taong pag-upo Sa loob ng apat na sulok ng silid aralan.
Sinasabi nila na ang High School ang pinaka-hindi malilimutang panahon sa buhay ng isang estudyante, sumasang-ayon ako dito, lagi kang nasa paligid ng iyong kamag-aralan, araw-araw, halos buong taon, tumatawa, umiiyak at gumagawa ng masasayang alaala kasama sila. Oo, Hindi talaga malilimutan ang High School. Pero sa Kolehiyo mo matututunan ang Buhay.
Para sa akin, ang Kolehiyo ay ang panahon kung saan nag-uumpisa kang lubos na maunawaan ang buhay, ang High School ang mistulang lugar ng paghahanda para sa mga bagay na haharapin mo sa Kolehiyo.
Naaalala ko pa rin ang unang beses na tumuntong ako sa PUP Maynila, ang takot at pagiging excited ang tumatakbbo sa katawan at isipan ko. Pero kinalaunan ay nasanay na ako sa mga mahahabang pila sa pagbayad ng mga bayarin, matrikula o kahit pagpapakuha ng medical exam, ang masasarap na pagkain sa kalye Teresa at ang mga tanawin at tunog ng Sta. Mesa, lahat ito’y naging normal na para sa akin kinalaunan.
Unang Tikim sa Mundo ng Media
Sa Kolehiyo ko din natutunan ang mga bagay na aking kinahiligan. Unang taon ko sa kolehiyo nang maging miyembro ako ng Kabataan News Network.
Maaari mong sabihin na baguhan pa lamang ako sa mundo ng Media noong mga panahong iyon, pero marami din akong nakuhang bagong kaibigan. Ang unang sabak ko sa industriya ng media ay medyo mahirap para sa isang tulad ko, Isang taon lamang ang nagugugol ko sa KNN at hindi ko man lang natapos ang una kong istorya. May dahilan naman ang hindi ko pagtapos sa unang istorya ko sa KNN, ito ay dahil napili ako para mamuno ng Arirang Town Philippines, ipinagpalit ko ang pagiging reporter ko sa KNN para sa Arirang Town Philippines.
Ang Hilig Ko para sa mga Events ay Sumibol; Arirang Town ang Aking Guro
Marami akong naranasan sa ilalim ng Arirang Town Philippines, mas “matured’ na paligid ang bumati sa akin sa pagsali sa Arirang Town Philippines.
Si Mommy Jessica, Jenny, Sir Leo at ang ibang miyembryo ay nakaambag sa kung ano ako ngayon, hindi lamang ito isang grupo ng tao na tumutulong sa pagoorganisa ng mga events, para sa akin, sila ay isang pamilya na natututo ako ng mga bagay-bagay. Isang guro na nagtuturo sa akin ng mga bagay na hindi ko matututunan sa loob ng apat na sulok ng kwarto. Dito nagsimula ang hilig ko sa events hanggang sa kung ano ito ngayon. Lagi ko pa rin inaabangan ang aming mga sunod na proyekto sa hinaharap, at lahat ito’y tinuturing ko na parang unang event ko sa Arirang Town Philippines, Dahil alam ko na mas marami pa akong matututunan sa mga events na aming gagawin.
You’re Listening to the MAGIC!
Sa Internship ko naranasan ang mas malalalim na pagmamahal sa events industry.
Sa internship ko sa Dynamedia Productions (Internship sa Radyo: Magic 89.9) ko mas lalong napa-ibig sa events production, sa Tulong nina Sir Louie, Ma’am Kat at ng iba pang taga Dynamedia, naranasan kong magtrabaho sa mga event na nakatulong sa paglawak pa lalo ng aking kaisipan sa events production. Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng natutunan ko sa ilalim ng Dynamedia Productions.
Ang pinakamagandang PRUTAS sa lahat
Naranasan mo na ba kumain ng prutas at mapasabi ng “Ah! Ang sarap nito!”?
Iyon ang aking nararanasan kapag kasama ko ang mga prutas na ito, Fruities kung tawagin namin ang isa’t-isa, para kaming prutas na nasa isang basket na sumusuporta sa isa’t-isa para walang bumagsak. BBrC 3D, ang mga taong tinawag kong pamilya sa loob ng apat na taon ng aking buhay kolehiyo. Ang Mga taong kasama ko sa hirap at ginahawa, sa kalungkutan at kasiyahan at sa kung anu-ano pa sa aking buhay kolehiyo na nagpakulay ng buhay ko.
Lubos kong mamimiss ang mga productions na aming ginawa mula sa unang taon sa kolehiyo, music videos, maiikling pelikula hanggang sa pagsusuot ng mga pamababaeng damit bilang isang Japanese Geisha. Ginawa naming lahat nang may ngiti sa aming mga mukha at nang may pagtatagumpay.
Ang aking mga ka-thesis na kasama kong uminom nang napakaraming kape para lamang manatili kaming gising sa mga panahon na gumagawa kami ng thesis. Ating higupin an gating huling kape bilang mga estudyante! Lahat n gating pinaghirapan at nagbunga na!
Sa aking mga kamag-aral, tayo’y nagsumikap, ngayon kailangan na natin mas lalong magsumikap.
Ating pasalamatan an gating mga magulang sa lahat ng baya na kanilang ginawa, dahil kundi dahil sa kanila, hindi natin makikilala ang isa’t-isa ngayon.
Kung uulitin ko ang Kolehiyo ulit, uulitin ko ito sa paligid ng mga “Fruities” na kasama ko ngayon.
Paunawa, huwag tayo magsabi ng PAALAM, ang sabihin nating HANGGANG SA SUSUNOD NATING PAGKIKITA.
Dahil maliit lang ang mundo, magkikita pa tayo ulit… kinalaunan.
Sa Aking Pamilya na kasama ko na nagpapalakas sa Akin.
At Paano ko malilimutan ang aking nagmamahal na Pamilya at mga kamag-anak.
Sila na nasa gilid lamang pero hindi napapagod na palakasin ako, tinutulak ako na lumaban at minimahal sa likod ng aking mga kamalian at kahinaan.
Sa aking kapatid na nasa tabi ko palagi, Alam ko na bihira lamang tayo magkita, kaunti lamang ang mga salita mo, pero alam kong Masaya ka para sa lahat ng natatamo ko ngayon, alam kong mag-aaral ka mabuti para makatapos din ng Kolehiyo sa hinaharap.
Sa aking mga Kamag-anak, ang aking mga Tita, Pinsan at Kapatid, Lahat kayo ay nakaambag sa buhay estudyante ko.
Huli sa lahat, sa aking Nanay na nagtrabaho ng maigi para matapos ko ang aking pag-aaral dahil naniwala siya sa aking kakayahan. Umabot pa sap unto na nanghihiram siya ng pera mula sa tatlong nagpapautang ng sabay-sabay para lamang mairaos ang mga bayarin sa eskwelahan at sa pang-araw-araw sa bahay. Lubos akong nagpapasalamat lahat ng iyon, Nakita ko lahat ng iyong hirap, Umiiyak ako, hindi ko lang pinapakita sa iyo, dahil alam ko ang aking kalakasan ang nagbibigay din sa’yo ng kalakasan. Ang hindi mo alam, ang IYONG kalakasan ang nagpapalakas sa akin. Alam mo na mahal na mahal kita at wala nang ibang salita pa ang tatapat kung gaano ako nagpapasalamat sa iyo at nagpapasalamat ako na ikaw ang nanay ko.
Natapos Ko na ang Librong ito, Oras na Simulan ang Panibagong Libro.
Natapos na ang isang yugto sa buhay ko; Ang buhay estudyante na alam ko ay tapos na
Oras na tanggalin ang pangsuportang gulong at matutong tumayo mag-isa, pero alam ko, marami pa akong matututunan sa mga pagsubok sa buhay. Tapos ko nang buoin ang libro na 14 na taon kong ginawa, oras na gawin ang aking mga pasasalamat at lagyan ng lagda ang pabalat, oras na ulit magsimula sa isang blankong papel, isang bagong libro na ang kailangan buksan, oras na ulit na punuin ito ng mas maraming aral sa buhay.
Ito po si Alexis Mendoza,
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Bachelor in Broadcast Communication
Batch 211
Handa nang Lumipad!
AIM HIGH!
TO GOD BE THE GLORY!
0 responses:
Thanks for visiting!